Talahuluganan ng mga Terminolohiya sa Stock Market (Stock Market Terms)

Alamin at simulang pag-aralan ang mga terminolohiya (stock market terms) na makatutulong sa iyong pamumuhunan sa stock market. Minabuting isalin ang mga ito sa Filipino (o Tagalog) upang mas madaling maunawaan.

  • Ask: presyo kung magkano ninanais ibenta ng mamumuhunan ang isang sapi
  • Average Price/Cost: kabuuang presyo ng biniling sapi kasama ang bayad-komisyon
  • Average Down: pagbili ng mga sapi sa mas mababang halaga upang mabawasan pa nang lubos ang average cost 
  • Bearish: paglalarawan sa isang merkado o sapi kung ito ay papababa (downtrend)
  • Bid: presyo kung magkano ninanais bilhin ng mamumuhunan ang isang sapi
  • Blue Chips: mga sapi ng mga bigating kompanya sa bansa (hal., ALI, SM, MER, atbp)
  • Board Lot: itinalagang minimum at maramihang bilang ng sapi na maaring bilhin o ibenta; nakadepende ito sa saklaw ng presyo
  • Book Value Per Share: halaga ng sapi base sa nakatalang equity ng kompanya na maibabahagi sa kabuuang bilang ng mga sapi
  • Breakdown: pagbaba ng presyo ng isang sapi mula sa kanyang support level
  • Breakout: pagtaas ng presyo ng isang sapi mula sa kanyang resistance level
  • Broker: institusyon o taong namamahala sa pagbili at pagbenta ng mga sapi sa merkado at kumikita sa komisyon bawat transaksyon
  • Bullish: paglalarawan sa isang merkado o sapi kung ito ay papataas (uptrend)
  • Buying Power: halagang maaring magamit ng mamumuhunan mula sa kanyang account upang makabili ng mga sapi
  • Buy Order: uri ng transakyon kung saan gustong bilhin ng mamimili ang isang sapi sa halagang ninanais
  • Cash Dividend: idineklarang dibidendo na katumbas ay halaga ng pera
  • Common Stock: karaniwang uri ng sapi (o stock) na hindi prayoridad sa pagbibigay ng dibidendo; ang kita ay kalimitang galing sa pagtaas ng halaga nito sa merkado (price appreciation)
  • Close: pangkatapusang presyo ng sapi sa isang araw ng kalakalan  
  • Cut Loss: pagbebenta ng mga sapi sa mababang halaga upang mabawasan ang inaasahang mas malaking pagkalugi
  • Debt to Equity Ratio/Leverage Ratio: proposyon o ratio ng kabuuang kita ng kompanya sa kabuuang halaga ng equities (mga saping preferred at common)
  • Debt Ratio: proporsyon ng kabuuang utang salungat sa propyedad ng kompanya
  • Dividend: halaga ng pera (cash dividends), karapatan upang makabili ng sapi sa mas murang halaga (rights) o karagdagang sapi (stock dividends) mula sa kabuuang kita ng kompanya na ipinapamahagi sa mga mamumuhunan ng sapi (shareholders)
  • Dividend Payout Ratio: panumbasan ng mga naibigay na dibidendo sa kabuuang kita ng kompanya
  • Dividend Yield: porsyento ng mga ideneklarang dibedendo kaugnay ng kasalukuyang presyo ng sapi
  • Earnings Per Share (EPS): kabuuang kita ng kompanya na babahaginin sa kabuuang bilang ng mga sapi
  • Fundamental Analysis: pagsusuri ng mga salik pang-ekonomiya at pampinansyal na maaring makaapekto sa tunay na halaga ng mga sapi at kabuuang galaw ng merkado
  • Good to Cancel (GTC): pagtatalaga ng transakyon na magtatapos lamang sakaling ikansela
  • Good to Day (GTD): pagtatalaga kung saan matatapos ang isang transakyon sa loob ng naturang araw sakaling hindi magtugma
  • Good to Month (GTM): pagtatalaga ng transakyon sa loob ng isang buwan
  • Good to Week (GTW): pagtatalaga kung saan maaring nakabitin ang transaksyon sa loob ng isang lingo
  • Growth Investing: istratehiya kung saan mas pinipili ng mamumuhunan ang mga kompanyang malalaki ang potensyal ng paglago
  • Initial Public Offering (IPO): unang yugto o pagkakataon ng kompanya na magbenta sa publiko ng mga sapi nito
  • Intrinsic Value: aktuwal o tunay na halaga ng isang kompanya base sa lahat ng aspetong pangnegosyo at pampinansyal
  • Invest: pamumuhunan o pagpapalago ng pera
  • Investment Strategy: itinakdang istratehiya ng isang mamumuhunan hinggil sa pamamahala ng kanyang portfolio
  • Investors: mga mamumuhunan o taong ginagamit ang pera upang lumago paglipas ng panahon
  • Leverage: panghihiram ng kapital upang maipondo sa mga pamumuhunan ng kompanya
  • Long Term: termino ng pamumuhunang hihigit sa anim na buwan
  • Losses: halaga ng pagkalugi ng isang mamumuhunan sa pagbenta ng mga sapi sa mas mababang halaga
  • Market Value: halaga sa kasalukuyan kung magkano maibebenta ang isang sapi sa merkado
  • Medium Term: termino ng pamumuhunan mula anim na linggo hanggang siyam na buwan
  • Most Active: pinaka-aktibong mga sapi base sa bolyum ng mga transakyon sa isang partikular na araw ng kalakalan
  • Normal Orders: mga transakyon ng pagbili o pagbenta ng mga sapi base sa normal o itinalagang board lot
  • Oddlot Orders: mga transakyon ng pagbili o pagbenta ng mga saping mas mababa kaya sa itinalagang board lot
  • Overvalued: paglalarawan kung ang pangkasalukuyang presyo ay mas mataas kaya sa aktuwal na halaga ng sapi
  • Par Value Per Share: presyo ng sapi sa panahon ng Initial Public Offering (IPO)
  • Peso Cost Averaging (PCA): istratehiya kung saan tuluy-tuloy ng pamimili ng mga sapi ang isang mamumuhunan sa regular na iskedyul
  • Portfolio: listahan o grupo ng mga financial asset gaya ng mga sapi
  • Preferred Stock: uri ng sapi kung saan prayoridad ang mga mamumuhunan nito sa pagtanggap ng mga dibidendo
  • Price to Book Value Ratio: proporsyon o ratio na ginagamit upang maihambing ang kabuuang halaga ng kompanya sa book value nito
  • Price to Earnings Ratio (P/E Ratio): pagtataya ng kasalukuyang presyo salungat sa kita ng kompanya katumbas ng presyo ng bawat sapi
  • Profit/Gain: halagang kinikita ng isang mamumuhunan sa pagbenta ng mga sapi sa mas mataas na halaga
  • PSEi (o PSE Index): indeks ng pambansang pamilihan ng mga sapi sa Pilipinas na binubuo ng tatlumpung kompanya na pinili base sa pinakamalalaking kapital sa merkado
  • Resistance: lebel ng presyo kung saan nahihirapang tumaas ang isang sapi base sa rekord ng mga nakaraang kalakalan
  • Returns/Rewards: kita ng mga mamumuhunan sa kanilang pamuhunan sa pamamagitan ng dibidendo o pagtaas ng presyo (price appreciation)
  • Reversal: pagbabago sa lebel ng presyo ng isang sapi mula sa resistance o support papauntang support o resistance makalipas ang breakout o breakdown
  • Reverse Stock Split: kabalikataran ng stock split; pagsasama-sama ng bilang ng mga sapi sa isang partikular na proporsyon upang mabawasan ang aktuwal na bilang ng mga sapi
  • Risk: potensyal na paglago ng pera at maaring katumbas na pagkawala ng kapital
  • Shares: bilang ng mga saping hawak ng mamumuhunan
  • Sell Order: uri ng transakyon kung saan gustong ibenta ng mamimili ang isang sapi sa halagang ninanais
  • Short Term: termino ng pamumuhunan na hindi lalagpas sa anim na linggo
  • Stock: sapi na katumbas ng karapatan at yunit ng pag-mamay-ari sa isang kompanya
  • Stock Dividends: mga dibedendong idineklara sa uring karagdagang bilang ng mga sapi
  • Stock Market: isang uri ng pamilihan kung saan bumibili at nagbebenta ng mga sapi ang mga mamumuhunan
  • Stock Market Index: isang sukatan ng kabuuang halaga ng merkado ng mga sapi o ng isang partikular na industriya
  • Stock Order: transaksyon ng mga sapi, maaring pagbili o pagbenta
  • Stock Split: pagkakahati ng mga sapi sa napagdesisyunang proporsyon upang maitaas ang liquidity
  • Support: lebel ng presyo kung saan nahihirapang bumaba pa ang isang sapi base sa rekord ng mga nakaraang kalakalan
  • Top Gainers: tala ng mga saping pinakamalaki ang itinaas ng presyo sa loob ng isang partikular na araw
  • Trade: matagumpay na transaksyon kung saan nagtatagpo ang bid at ask na mga presyo
  • Traders: mga taong aktibo sa pagbili at pagbenta ng mga sapi upang kumita sa pagtaas ng presyo sa mas maiksing panahon
  • Undervalued: paglalarawan sa isang sapi kung mas mababa ang kasalukuyang presyo kaya sa tunay o aktuwal na halaga ng sapi
  • Unrealized Profit/Loss: pansamantalang kita o lugi na maaring maging ganap sakaling ibenta ang mga hawak na sapi
  • Value Investing: istratehiya kung saan mas pinipili ng isang mamumuhunan ang mga saping undervalued
  • Volume: kabuuang bilang ng shares o mga sapi na nabili at naibenta sa isang partikular na araw ng kalakalan
  • Worst Losers: tala ng mga saping pinakamalaki ang ibinaba ng presyo sa isang partikular na araw
  • Year to Date (YTD): yugto ng kalakalan mula sa unang araw ng taon o Enero hanggang sa kasalukuyan

Be the first to comment

Share Your Thoughts!

Your email address will not be published.


*