‘Sample’ Monthly Budget ng Isang Young Professional

‘Sample’ Monthly Budget ng Isang Young Professional

Bilang isang young professional, hayaan ninyong ibahagi ko ang aking sample monthly budget plan.

Unti-unti ko nang nare-realize ang kahalagahan ng pagkakaroon ng budget plan. Noon, pagka-tanggap na pagka-tanggap ko ng sahod, inaabot ko lang sa tita ko ang P3,000.00 (kinsenas) para sa ambag ko sa gastusin sa bahay, at lahat ng natira ay nasa wallet ko lang.

Hindi naman talaga kalakihan ang sahod ko. Nagsimula lang ako sa halos P10,000.00 bawat buwan sa kabilang school. Sa totoo lang, mabilis ako makahanap ng trabaho, kaya’t nang umalis ako doon ay nakahanap agad ako ng bagong school matapos lamang ang ilang araw. Dito sa bago kong pinagtuturuang school, nagsimula muli ako sa monthly salary na P13,000.00 bawat buwan, at ngayon matapos ang isang taon ay naging P25,000.00 (more or less) na.

Simula nang lumaki ang sahod ko, natutunan ko na ang pagbabadyet at sinimulang isipin kung saan ko pwedeng ilagak ang matitirang pera (sa badyet) para maging ipon o investment, kung kaya’t gumawa ako ng isang Microsoft Excel budget plan.

[1] Expenses. Sa aking budget plan, ito ang may pinaka-malaking posyente dahil, siyempre, malaking bahagi ng aking monthly o semi-monthly salary ang napupunta sa mga gastusin gaya ng pagkain, transportation allowance, at iba pa.

[2] Savings. Sinisikap ko na makapaglaan ng kaunting porsyente ng aking salary sa savings at makalipas ang bawat dalawa o tatlong buwan ay nililipat ko sa aking savings account sa bangko.

[3] Emergency Fund. Natutunan ko ang paglalaan para dito sa online articles. Syempre, kailangan kong mapaghandaan ang mga maaring mangyaring di-inaasahan sa hinaharap gaya ng pagkakasakit, kawalan ng trabaho sa iilang buwan, at pati na rin ang mga emergency ng kaanak lalo na ng mga magulan.

Be the first to comment

Share Your Thoughts!

Your email address will not be published.


*