
Nais kong ibahagi ang aking karanasan kung paano ako pumasok sa stock market.
Matagal na. Oo, matagal ko nang balak sumubok ng stock investment. Siguro simula noong nakapagbasa ako ng online article tungkol sa stock market experiences, at mas naging interesado pa ako nang malaman ko na may kaunting investment dito ang isa kong katrabaho (nasa P5,000.00 lang equity noong ipinasilip niya portfolio, at JFC lang gusto niya).
Wala talaga akong konkretong kaalaman sa stock market. Basta naa-amaze lang ako sa mga de-kulay na numerong kukuti-kutitap sa screen. Eh, paano nga ba? Medyo malayo ang business sa education. Opo, isa po akong guro, 26-taong gulang lamang, at ikinararangal ko ang propesyong ito. Mabuhay ang kaguruan!
Nang mataggap ko ang kauna-unahan kong allowance sa CHED scholarship (para sa masteral) na tumataginting na P70,000.00, pagkatapos na pagkatapos din ng huli kong summer class, buwan ng Abril 2016, napagdesisyunan ko na pumunta sa PSE Building sa Ortigas para magbukas ng stock investment account sa COL Financial (stock broker–kailangan nito para magproseso ng mga order; buy and sell ng stocks). Mabilis lamang ang proseso. Sobrang bilis.
Pero ‘yung totoo eh, masyado talaga akong excited nang panahon na iyon. Nakailang print out ata ako ng form na downloadable mula sa website ng COL para maging malinis lamang lahat ng info ko.
Siyempre, medyo inalam ko din kung papano ang paglabas sa stock market, kung papano mali-liquidate (magiging cash ulit ang stocks), papano ang gagawin sakaling magkaroon ng stock market crash, at kung anu-ano pang ‘out of this world’ na marahil na posibilidad.
Makalipas ang sumunod na araw ay bumili na ako ng kauna-unahan kong stocks sa halagang P5,000.00 (opening amount requirement) —-MWIDE (Megawide Corporation) at PGOLD (Puregold Price Club, Inc.). Una ko talagang binili ang PGOLD (100 shares @ P41.00) kasi sabi ng katrabaho ko eh bigla bumulusok ang presyo pataas, samantalang ang natira sa available balance ko eh basta ko na lang binili ng MWIDE stocks (around P6.00 per share lang noon; saying nga eh umabot siya ng P15.00 per share, hindi ko na naantay). Anyway, marami ako natutunan sa first stocks ko.
Simula noon, araw-araw ko nang sinisilip ang aking online account at nasisiyahan sa katiting na porsyento ng gain (buwan kasi iyon ng green portfolio). Wala pa atang isang linggo nakakaraan, atat na atat na akong mai-upgrade ang aking account na Starter (P5,000.00) para maging COL Plus (P25,000.00 minimum equity) kaya’t nagdeposito pa ako. Panay tuloy punta ko noon sa BDO branch na malapit sa amin.
Pagkatapos ng dalawang linggo pa, ibinenta ko na ang parehas na stocks (nasa P500.00 lang gain ko), at bumili naman ng iba. Hindi ko din masyado alam ginagawa ko kaya’t papalit-palit ako ng stocks sa portfolio, pero never akong nagbenta nang palugi. Hanggang nitong mga July matapos akong mag-join sa Traders Apprentice at Investing in the Philippine Stock Market (Facebook groups), natuto akong maging loyal sa iilang stocks. Madami kasing gifts of knowledge about stock investment ang nakuha ko sa mga ‘experts’ doon. Hahahahah!
Dumating ang September at umabot ng P100,000.00 ang naipasok na scholarship allowance ko sa ATM. Sobrang saya ko at inisip ko agad idagdag sa investment. Inayos ko din portfolio ko at nag-stick to three stocks (EDC, MEG, at MRSGI) na lang ako, at dahil over-extending ang ghost month, eto kinalabasan ng portfolio ko (i-click ang picture para lumaki):
Kahit duguan s’ya ay okay lang, long-term talaga balak ko. Papasaan ba at positibo na pagkatapos ng pasko ay may price appreciation din yang mga yan. Okay din naman book values nila. Stay positive!
Anyway, hindi naman lahat ng pera ko ay naipasok diyan. Sabi nga eh, magtabi muna para sa Emergency Fund (nasa P65,000.00 din naman). Saka, maliban sa dalawa, may binabayaran din akong Life Insurance (Cocolife Plan) at Life Plan (St. Peter Plan).
Salamat sa mga financial literacy sites! Kaya sinubukan ko ding mag-share ng investment experiences ko.
Be the first to comment