
Kaya ka ngayon nakaharap sa pahinang ito — nauunawaan mo na ang kahalagahan ng pagtitipid subalit nahihirapan kang kontrolin ang sarili sa labis na paggasta.
Maraming dahilan kung bakit ganito ang ating sitwasyon sa kasalukuyan pagdating sa aspetong pampinansyal. Maaring dahil hindi pa natin nauunawaan nang lubos ang halaga ng pera.
Maaring naiisip natin na palaging may ibang taong may kakayanan o handang sumagip sa atin mula sa kagipitang-pinansyal anuman ang mangyari. O marahil, sadya lang na hindi pa tayo ganap na financially literate.
Lahat naman tayo ay dumating sa mga pagkakataong naging mapagwaldas ngunit ang mahalaga ay nagkaroon tayo ng ganap na kamalaayan tungkol dito, at sinisikap nating magbago.
Ibabahagi ko ngayon ang ilan sa mga mabisa at praktikal na pamamaraan ng pagtitipid sa makabagong panahon. (Maaari mong i-bookmark ang pahinang ito sa iyong browser upang mabalik-balikan dahil susubukan ko itong ia-update sa mga susunod na araw o buwan).
- Ilista ang lahat ng perang pumapasok at nagagasta.
- Planuhin ang pagpunta sa grocery minsan isang lingo.
- Ugaliing magbayad ng bills sa tamang oras.
- Iwasan (hindi naman kailangang i-unfriend) ang mga kaibigan o kakilalang magagastos at lalo na ang mga madadalas magpalibre.
- Huwag nang maging curious sa mga inaalok na produkto.
- Limitahan (kung hindi kayang iwasan) ang mga bisyo.
- Limitahan ang pagpunta sa mga mall o restaurant.
- Sikaping bumili lamang ng mga kakailanganin at hindi kung ano ang nagugustuhan.
- Mag-research ng mas mabilis at kung saan mas makakatipid (sa pasahe) na ruta sakaling pupunta sa malalayo at hindi kabisadong lugar.
- Maiging magbaon ng lunch sa trabaho.
- Matutong mamalengke at magluto sa bahay.
- Bumili ng matitibay at matitinong gamit (huwag lamang presyo ang isaalang-alang kundi una dapat ang kalidad)
Inuulit ko —–panguna lamang ang listahan. Maaring bisitahin muli ang pahinang ito sa mga susunod na araw, linggo o buwan upang malaman ang iba pang mga praktikal na pamamaraan pati na ang mga pagpapaliwanag sa bawat aytem.
Be the first to comment