
Bago natin alamin ang iba’t ibang uri ng mutual funds, talakayin muna natin ang ilan sa mga batayang konsepto.
Tumutukoy ang Mutual Fund sa pinagsama-samang investment capital mula sa napakaraming mamumuhunan na nagtataglay ng iba’t ibang katangian (gaya ng risk tolerance), investment goals (short-term at long-term), at kakayanang pampinansyal. Ipinamamahagi ang pamuhunan sa iba’t ibang uri ng investment securities gaya ng stocks (narito ang link tungkol sa stocks), government bonds, at debt instruments.
Bilang investment capital, ito ay pinangangasiwaan ng isa o maraming fund managers. Ang fund manager, bilang eksperto rito, ang bahalang namamahala sa pagpapalago ng pamuhunan sa itinalagang investment portfolio. Dahil dito, tumatanggap sila ng bayad-serbisyo na katumbas ng tiyak na bahagdan o percentage ng pondo o kita nito.
Sa Mutual Fund, may tinatawag na NAVPS o ang net asset value per share na kumakatawan sa presyo ng bawat share sa pondo. Ang mga transaksyon gaya ng pagbili at pagbenta ng shares ay ibinabatay sa NAVPS, na pabago-bago (ng presyo) sa bawat araw depende sa market performance ng isang pondo.
Kung ang NAVPS ay tuluyang lumago o may appreciation na nangyari, maaaring ibenta ang shares upang maging ganap ang kita o realized profit. Sa kabilang banda, kapag bumaba ang NAVPS o may depreciation, maaaring malugi sakaling subuking tubusin o i-redeem ang kapital.
Kagaya ng maraming uri ng pamuhunan, mas makabubuting gawing long-term o ipagkatiwala nang mas matagal ang kapital.
Ngayon, simulan natin ang pagtalakay sa iba’t ibang uri ng mutual funds:
[1] Money Market Fund. Sa uri ng pondong ito, ang pera o investment ay ipinamumuhunan sa panandaliang kaparaanan o short-term debt instruments na karaniwan ay hindi hihigit sa isang taon.
Ayon sa maraming fund managers, nababagay ang uri ng mutual fund na ito sa mga konserbatibong mamumuhunan na naghahangad ng tiyak na kita sa maiksing panahon.
Money market fund provides conservative investors with a safe vehicle to invest easily accessible, cash-equivalent assets; hence, it is characterized by a low-risk, low-return investment.
Karaniwan, ang pamuhunan ay nakapokus sa high-quality securities, liquid debt, at monetary instruments.
[2] Bond Fund. Kagaya ng Money Market Fund, nababagay rin ito sa mga konserbatibong mamumuhunan. Dito, ang pondo ay ipinamumuhunan sa issued bonds o long-term debt instruments ng gobyerno at mga malalaking korporasyon.
A bond fund, being primarily invested in bonds and other debt instruments, may include government, corporate, and convertible bonds, and others like mortgage-backed securities.
[3] Balanced Fund. Batay mismo sa termino, kumakatawan ito sa balanseng distribusyon ng pondo sa magkakahalong high-risk at low-risk investment instruments. Kalimitan, kalahati ng pondo ay napupunta sa stocks o pagbili ng mga sapi sa publicly listed na mga kompanya, at ang kalahati ay sa debt instruments at bonds.
Dahil ganito ang sistema, nababagay ang uri ng mutual fund sa mga mamumuhunang handang tumaya nang kaunti sa swerte.
A balanced fund, usually of stock, bond, and money market components, provides investors with moderate opportunities for diversification as it combines safety, income, and modest capital appreciation in a single portfolio.
[4] Equity Fund. Nababagay ang uring ito sa mga agresibong mamumuhunan na handang ipagsapalaran ang buong investment sa takbo ng stock market. Napakalaking panganib o posibilidad na malugi sa pamumuhunan sa stock market (alamin kung Bakit Pabago-bago ang Presyo ng Stocks). Gayunpaman, napakalaki rin ang maaaring kitain rito.
Invested primarily in stocks or termed as stock fund, an equity fund can be an ideal investment vehicle for aggressive investors who have a large amount of capital but with a limited knowledge and experience in financial investments.
Kagaya ng karaniwang payo ng mga financial expert, simulan ang pamumuhunan sa pag-aaral (alamin kung Bakit Kailangang Mag-invest). Makabubuting alamin ang mga bagay-bagay tungol sa binabalak na pakikipagsaplaran sa pinansyal na aspeto upang mabawasan, kung hindi tuluyan, ang pagkalugi o pagkasayang ng perang pinaghirapan.
Bago pasukin ang Mutual Fund investment, magsaliksik muna at magsangguni sa mga may ganap na kaalaman at karanasan rito.
Ikaw, ano sa tingin mo ang uri ng mutual fund na bagay sa iyo? Maaari mo itong ibahagi sa comment section sa ibaba.
Be the first to comment