
Nakakatuwa naman at sobrang bilis na ng proseso ng PRC ID renewal, na bukod sa wala nang iba pang hinihinging dokumento ang ahensya, ang pinaka-nakakasiya, maiaabot na sa iyo ang bagong ID mismo makalipas lamang ang mahigit isang oras matapos maibigay ang nag-iisang form sa huling counter (para sa proseso ng renewal). Opo, isang oras lang po ang aking paghihintay! Pumunta ako bandang alas-otso y media ng umaga at pasado alas-diyes, tapos na. Yehey!
Noong Disyembre 1 2016, dahil holiday sa Cainta (Founding Anniversary) at walang pasok sa trabaho, nakahanap ako ng panahon para asikasuhin ang palso ko nang lisensya (katunayan, nakaraang Mayo pa siya nag-expire).
Sinilip ko muna ang online renewal tab ng PRC Official Website (http://www.prc.gov.ph/page.aspx?id=4080) at napag-alaman ko na wala na silang online services para dito, pero nakalagay ang mga gabay sa pagpo-proseso. Sundin lamang po ang nasa ibaba (base sa karanasan):
Una, kakailanganin mo ang mga sumusunod:
- pera (P450.00 ang renewal fee; P5.00 per month ang surchage/penalty)
- 1 piece passsport size picture with nametag
- paste (pandikit ng picture sa form)
- bolpen
- expired PRC ID, saka other IDs (minsan gusto lang kumpirmahin)
Ikalawa, humingi ng renewal form sa may counter malapit sa Kumpletuhin ang mga impormasyon at idikit ang picture. (15 minutes)
Sumunod, pumila sa Window 27 at iabot ang form sa personnel. Hintayin na tawagin ang pangalan sa Window 31 at kunin ulit ang na-verify na form. Tingnan kung magkano ang babayaran at dumiretso sa Windows 34, 35, at 36 (cashier windows). (20 minutes)
Pagkatapos magbayad, diretso agad sa Window 20 at iabot ang form. Sasabihan ka ng personnel na antaying tawagin ang pangalan mo sa Window 17. Kapag tinawag na pangalan mo, punta ka sa sinabing window, kunin ang bagong ID, at pirmahan ang receiving form. Ayos! (1 hour)
Tandaan, isang building at ground floor lang lahat ng transaction ng renewal.
Be the first to comment