
Ano ang stock certificate?
Ang stock certificate ay isang pisikal na piraso ng papel na kumakatawan sa parte, base sa bilang ng mga sapi, ng pagmamay-ari sa isang kompanya. Bilang katibayan, ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon hinggil sa pagmamay-ari gaya ng pangalan ng istakholder, bilang ng mga sapi, identification number, petsa, selyo (o logo) at iba pang pagkakakilanlan ng kompanya, at mga lagda. Kung ikukumpara, di-hamak na mas malaki ito sa sukat ng karaniwang dokumento at nagtataglay ng mga masasalimuot na disenyo upang maiwasan ang palsipikasyon.
Ano ang magiging halaga ng stock certificate sakaling mabangkarote ang kompanya?
Kapag nabangkarote ang isang kompanya, karaniwan, inuunang bayaran ang creditors o mga pinagkakautangan kung kaya’t madalas umaabot sa zero ang halaga nito. Sa pagkakataong ito, nawawalan ng kabuluhan o halaga ang isang stock certificate at nagiging isang scrap paper na lamang (maaari din namang isang subenir o pan-display sa bahay).
Bakit wala akong natatanggap na stock certificates sa pagbili ko ng mga sapi (shares of stocks) sa pamamagitan ng online broker?
Ang Philippine Stock Exchange (o PSE), sa pamamagitan ng kanyang central depository, ang Philippine Depository Trust Corporation (o PDTC), sa kasalukuyan, ay gumagamit ng elektronikong (computerized) book-entry system sa pagpapalipat-lipat ng mga mahahalagang rekord ng transaksyon sa pamilihan ng mga sapi kung kaya’t nalilimitahan ang paggamit ng mga pisikal na papel gaya ng mga resibo. Ito ay tinatawag na scripless trading (wala talaga iyang ‘t,’ scrip means a receipt, certificate, list, or similar brief piece of writing).
Huwag kang mag-alala, hindi basta-basta ang nasabing central depository (garantisado ang kanilang mga back-up drives). Sinisigurado kong naroon ang pangalan mo at rekord ng transaksyon sakaling bumili ka nga ng mga sapi.
Saka isipin mo nga, sandamakmak na mga papel ang kakailanganin kung ang mga broker ay magi-issue ng stock certificate sa bawat transaksyon. Siyempre, doon na tayo sa kung saan matipid sa resources.
Do I need to have a physical evidence of my stock ownership? The PSE through the Philippine Central Depository (PCD) uses the computerized book-entry system to transfer ownership of securities from one account to another, thus eliminating the need for physical exchange of scrip between the buyer and seller. Scripless trading describes the system where settlement is carried out via book-entries, rather than by the movement of physical certificates. However, you may still request for an upliftment of your shareholdings to get a physical certificate. (Source: http://pse.com.ph/stockMarket/content.html?sec=FAQ_HEADER)
Eh, conservative stock investor ako. Pwede ba akong mag-request ng stock certificate?
Oo naman. Base sa official website ng The Philippine Stock Exchange, Inc.: however, you may still request for an upliftment of your shareholdings to get a physical certificate. Ibig sabihin pwedeng-pwede. Minsan, kapagka masyado nang malaki ang bilang ng mga saping ating na-acquire at masasabi nating pang-long term na talaga ang investment, mainam din na magkaroon tayo ng pisikal na katibayan.
Ngayon, paano ako makakakuha ng stock certificates?
Request for upliftment of stockholdings/stock certificates ang tawag dun. Maaari mong kontakin ang iyong broker tungkol sa proseso. Isa pang mahalagang bagay, hindi libre ang pa-imprenta nito. Kung COL Financial, Inc. ang iyong pinagkakatiwalaang broker, narito ang proseso:
To request for withdrawal (or upliftment) of your stock certificates, please visit our website and download the Request for Upliftment of Stock Certificate form under HOME>Forms>Form Needed for Upliftment of Stock Certificate. Fill it out and send the originally signed form to the COL FINANCIAL GROUP, INC. Business Center at 2403-B East Tower PSE Centre, Exchange Road, Ortigas Center, Pasig City. You will also need to submit a signature card per company to complete this request (you can secure signature cards from COL’s business center). The upliftment process can take up to 3 months to generate the certificate. (Source: https://www.colfinancial.com/ape/Final2/home/faqs_main.asp)
Stay investing.
Be the first to comment