
Madaling bumili at magbenta ng shares of stocks kapagka ikaw ay nakapasok na sa stock market, subalit kakailanganin mo ng abilidad, kaalaman, at swerte upang kumita at hindi malugi. Narito ang ilang karaniwang pagkakamali ng mga stock investor:
[1] Kawalan ng Sariling Diskarte. Nararapat lamang na bago ka magsimula, nakapag-self-study ka na nang lubusan. Magiging sandata mo ang kaalaman laban sa mapanlinlang na tips o pieces of advice.
Kadalasan, sa social media groups, nagsisipaglabasan ang mga ‘expert’ kuno na nagsasabing ‘bilhin mo ito, benta mo ito.’ Ito ang tinatawag na ‘stock hyping.’ Modus nila ang impluwensyahan ang investors upang magkaroon ng trading volume ang isang stock. Sa ibang salita, huwag kang maniwala sa sabi-sabi, bagkus magkaroon ng sariling diskarte.
[2] Kakulangan ng Pasensya, Pagiging Emosyonal at Sentimental. Kalimitan, humahantong ang kawalan ng pasensya at pagiging emosyonal at sentimental sa mga maling desisyon lalo na hinggil sa pagpili ng stocks at maging sa tinatawag na ‘cut loss.’
Halimbawa, mas tinatangkilik ng isang investor ang stocks ng mga kumpanyang mas malalapit sa kanya (maaring nakapagtrabaho dito, may kaibigan dito, atbp.). Isa pa, may mga iilang nagpa-panic at nagbebenta agad ng stocks nang palugi dahil sa ‘market dips’.
[3] Kakulangan sa Mathematical Skills. Maraming stock invetsors at traders ang walang pakialam sa taxes at broker’s commissions. Siguro, dahil kung titingnan, napakaliit na porsyento lamang ang mga ito. Subalit, mainam na maintindihan kung papano ang mga ito ay nakakaapekto sa ‘average price,’ at ‘stock gains and losses.’
Subukang i-level up ang stock investment knowledge sa mga actual computation.
[4] Kamalian sa Diversification. Sabi nga, “do not put all your eggs in one basket.” Subalit, marami pa ring stock investors ang nahuhumaling sa iisa o iilang stocks lamang.
Sa kabilang banda, hindi rin maganda na ‘overly diversified’ ang isang portfolio. Kinakailangang tama lamang ang distibusyon ng stocks sa portfolio lalo na pagdating sa stock volumes.
Be the first to comment